Herbert Bautista inaresto sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Philippines– Inaresto at kinasuhan  ng pulisya si Herbert Bautista at anim na iba pang katao sa dalawang magkahiwalay na kasong paglabag sa batas laban sa illegal fishing sa magkakahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Buguey at Peñablaca, Cagayan kamakalawa.

Ang 25 anyos na kapangalan ni Mayor Herbert’ Bistek’ Bautista ng Quezon City at dalawa pa nitong kasamahan ay naglagak ng tig-P6,000 piyansa sa paglabag ng Republic Act 8550 o anti –illegal fishing law matapos silang masakote sa pangunguryente ng isda sa isang lawa sa Brgy. Minanga, Buguey.

Tatlo rin katao ang dinakip at kinasuhan ng pulisya sa operasyon naman sa Brgy. Dodan, Peñablanca sa kahalintulad rin na kaso.

Show comments