^

Probinsiya

Wallet nahulog sa barko, engineer todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng isang 22 anyos na apprentice engineer ang P 300 na laman ng wallet na nahulog sa isang barko matapos itong tumalon sa dagat sa Brgy. Tayud, Consolacion, Cebu , ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ariel Montebon, isang apprentice engineer sa Lady of Prosperity, cargo ship.

Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente sa karagatan ng Brgy. Tayud, Consolacion bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes. Ang bangkay ng biktima ay narekober  ng search and retrieval team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa dagat bandang alas-6:30 ng gabi nitong Biyernes.

Ayon sa imbestigasyon, hawak ni Randy Casquite, 21, isa ring apprentice engineer ang nasabing wallet na naglalaman ng P300 na pag-aari ng cook sa barko ng aksidente itong mabitawan at mahulog sa dagat.

Dali-dali namang tumalon sa barko si Montebon upang marekober ang wallet pero nabigo na itong makaahon na humantong sa kaniyang kamatayan.

Nabatid na ang barkong sinasakyan ng mga biktima ay nakadaong sa Sandoval Shipyard malapit sa Cansaga Bay Bridge.

 

vuukle comment

ARIEL MONTEBON

BRGY

CANSAGA BAY BRIDGE

CEBU POLICE

CONSOLACION

LADY OF PROSPERITY

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

RANDY CASQUITE

SANDOVAL SHIPYARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with