TUGUEGARAO CITY, Philippines - Misteryoso at hindi makapaniwala ang mga kaanak ng binatang sakristan na kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kamakalawa sa bayan ng Sarrat, Ilocos Sur kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang biktima na si
Richard Corpuz, sakristan sa Sta. Rose of Lima Parish Church.
 Ayon sa ama ng biktima, nadatnan nilang umiiyak at nakatulala palagi ito gayong sinasabi naman niyang tinanggap ng kanyang nililigawang dalaga ang kanyang pag-ibig. Pinaniniwalaan namang labag sa
damdamin ng biktima na umibig dahil isa itong sakristan sa simbahan.