3 minero tiklo sa pot session

CAMARINES NORTE, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng tatlong minero matapos maaktuhan ng pulisya sa pot session sa bahagi ng Purok  3, Barangay Bagumbayan sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Pormal naman kinasuhan ni PO3

Ruperto Moral ang tatlong suspek na sina Ryna Garcia, 24, ng Purok 6, Brgy. Tugos; Jeric Delos Santos, 24; at si Noland Cereno, 24, kapwa nakatira sa Purok 3. Nakumpiska sa mga suspek ang  2 plastic sachet ng Shabu, 23 pirasong aluminum foil, 2 lighter,  improvised

burner, at aluminum strip. Napag-alaman na karamihan sa mga minero ay gumagamit ng shabu upang tumibay ang katawan sa loob ng 24-oras na pagmimina.

 

Show comments