MANILA, Philippines - Patay ang 31-anyos na bagitong pulis habang lima pa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng dalawang sasakyan sakahabaan ng Murcia Road sa Barangay Mansilingan sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si PO1 Rio Salido ng 1st Maneuver Company habang sugatan naman sina PO1 Ian John Dindo, P/Senior Inspector Edison Garcia na pawang mga kasamahan ni Salido na lulan ng service Isuzu pickup.
Samantala, nasugatan naman sa nakabanggaang Fortuner na sina Joseph Rojas, driver ng Fotuner at kapatid ng konsehal ng Bacolod City, Emmanuel Barela, at si Cesar Vicente.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na ang mga pulis ay patungo sa detachment ng Public Safety MaÂnagement Battalion 1st Maneuver Platoon sa Hacienda BaÂling, Brgy. Blumentritt nang makasalpukan ng Toyota Fortuner ni Rojas na patungo namang Bacolod City.