2 sasakyan sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang dalawang heavy equipment na pag-aari ng bise gobernador sa panibagong paghahasik ng terorismo sa Barangay Curva sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte kamakalawa ng madaling-araw. Sa

ulat ni 1st Lt. Joe Patrick Martinez ng Army’s 42nd Civil Military Operations Company, nilusob ng NPA ang kinalalagyan ng dump truck (RHW 925) at transit mixer (KGA 274)  na pag-aari ni Misamis Occidental Vice Gov. Atty Henry Oaminal. Dito na binuhusan ng gasoline ang

dalawang sasakyan bago sinilaban. Lumilitaw naman sa imbestigasyon na patuloy na tumatanggi si Oaminal  na magbayad ng revolutionary tax sa mga rebelde kaya sinabotahe ang kanyang mga ari-arian.

Show comments