Gunman ng brgy. chairman, natukoy

ILAGAN CITY, Philippines — Sinampahan na ng kasong kriminal ng pulisya sa Department of Justice matapos na matukoy ang  triggerman sa pagpatay ng isang brgy. chairman sa San Pablo, Isabela  kamaka­lawa.
 Kinilala ang suspek na si Manning Taggueg na positibong

kinilala ni 
 Ivy Rose Soriano, anak ng napaslang na si Brgy. Chairman Victor Soriano 51-anyos.

Kasama rin sa kinasuhan
 ay ang  mga kasabwat na look out sa krimen na  sina Marvin Daliri at dalawang iba pa na tugis ng pulisya. Ang biktima ay pinatay sa sayawan sa piyesta noong Enero 13.

Show comments