Stude tiklo sa gun ban

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 2nd year college student matapos masakote ng pulisya dahil sa panunutok ng baril sa kapwa nito estudyante sa Sorsogon State College sa bayan ng Casiguran kahapon ng umaga.

Pormal na kakasuhan ng pulisya ang suspek na si Jhonel Lareza, 19, ng Barangay Boton sa nasa­bing bayan.

Samantala, kinilala naman ang biktima na si Ryan Agasa, 18, kaklase ng suspek sa nasabing kolehiyo. Base sa ulat ng pulisya, nagkaalitan ang dalawa sa loob ng klasrum kaya lumabas para pag-usapan ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Kaagad na kinuha ng suspek ang baril na nasa bag nito at tinutukan ang biktima kung saan nasaksihan naman ng ilang estudyante kaya naipaabot sa pulisya.

Sumasailalim na sa pagsisiyasat ang suspek kaugnay sa bitbit nitong baril na naipuslit papasok ng eskuwelahan.

Show comments