‘Tomboy’ pinatay sa gulpi ng 4 bagets

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 18-anyos na babae na sinasabing tomboy matapos pagtulungang gulpihin at hatawin ng tubo ng apat na tinedyer na pinaniniwalaang lango sa bawal na droga sa Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Sabrina Verzaga ng Pabahay 2000 sa nabanggit na barangay.

Nasakote naman ang tatlo sa mga suspek na pawang menor-de edad habang tugis naman ng pulisya ang ikaapat na suspek na si Allen Austria,19, pawang nakatira rin sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones,  papauwi na ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang mapagtripang harangin at gulpihin ng mga suspek.

Humingi naman ng tulong ang ilang kaibigan ng biktima kaya naaresto ng ilang barangay tanod ang tatlong suspek.

 

Show comments