2 pawikan na-trap, pinakawalan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang higanteng pawikan ang na-trap sa bingwit ng mangingisda  sa karagatan ng Barangay Inapugan, Pilar, Sorsogon, kamakalawa.

Ayon kay Chito Morris ang fish examiner ng lokal na pamahalaan ng Pilar na ang dalawang pawikan ay na-trap sa palaisdaan na pag -ari ng isang nakilalang Salvador Tagod.

Kaagad namang ipinaalam ang pangyayari sa mga awtoridad at nabatid na ang bawat isa ay tumitimbang ng 200 daang kilo at may lapad na 42 inches  na kagad naman na nilagyan ng tag at muling  pinakawalan  sa dagat.

Ang panghuhuli ng pawikan ay ipinagbabawal ng pamahalaan dahilan isa itong endangered species.  

 

Show comments