Raid sa illegal na pagawaan ng baril: 8 arestado

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga awtoridad ang dalawang illegal na pagawaan ng mga armas na nagresulta sa pagkakaaresto ng walo katao habang sari-sari namang mga baril, mga bahagi nito at mga ka­gamitan na nagkakahalaga ng P1M ang nasamsam sa isinagawang operasyon sa Danao City, Cebu kamakalawa.

 Ito’y kaugnay ng pinalakas na kampanya kontra loose firearms upang matiyak ang SAFE (Secured and Fair Elections) sa Mayo 2013 ng taong ito.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Jaime Silverio Sr. at Vivencio Cabaque Villasan ng Brgy. Poblacion, Danao City; Antonio Galon Gian, Normanito Minoza Gian, Ildefonso Banzon Capitan, Benedicto Ancos Manulat, Eldebrando Tito Gian at Gomersindo Batoon Bayo; pawang ng Brgy. Taboc ng lungsod.

Sina Silverio at Villasan ay nahuli sa akto na nagbebenta ng barrels ng baril at revolver cylinder sa undercover agent ng pulisya sa Brgy. Poblacion ng naturang siyudad.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang apat na cal .45 pistol, daang gun barrels, slides at iba pang mga spare parts  ng sari-saring mga armas.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, bandang alas-4:30 ng hapon ng magkakasunod na salakayin ng mga ope­ratiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang dalawang illegal na pagawaan ng armas sa lungsod.

Samantalang arestado naman sa follow-up ope­ration si Antonio Gian na nagbebenta rin ng barrels, revolver cylinders, slide sa bahay nito sa Brgy. Taboc, Danao City habang lima pa ang nahuli sa aktong guma­gawa ng spare parts ng baril sa loob ng compound na pag-aari ni Gian.

 

Show comments