Trader patay sa riding-in-tandem

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  â€“ Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem sa Brgy. Pila, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Ito’y sa gitna na rin ng umiiral na gunban kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang biktimang kinilalang si Jonathan Antonio, isang car dealer at residente ng Brgy. Ermita sa nabanggit na lungsod.

 Batay sa ulat, nakatayo  umano ang biktima sa isang shop malapit sa pinagawang sasakyan nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na kapwa nakasumbrero.

Armado ng cal .45 pistol ay agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima bago tuluyang tumakas gamit ang isang motorsiklo.

 Mabilis naman na isinugod sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival  sa tinamong apat na tama ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

 Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng cal. 45 na ginamit umano sa pamamaril.

 Patuloy pa rin ang imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya sa kasong ito.

 

Show comments