Lola nilikida ng tandem

NUEVA ECIJA, Philippines – Napaslang ang 74-anyos na lola matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Bagong Silang sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Tatlong bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Felicidad Constantino-Paguia ng Purok 8, Barangay Baloc sa bayan ng Sto. Domingo. Ayon sa pulisya, lulan ng handtractor ang biktima kasama ang limang kamag-anak nang ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na barangay. Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang mga anggulong  alitan sa lupa at negosyo ang motibo sa pamamaslang.

 

Show comments