Cableman utas sa kuryente

QUEZON, Philippines – Masyadong maikli ang naging buhay ng 33-anyos na cableman ng lokal na kompanya ng cable TV matapos itong makuryente sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Calauag, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Ricasio, 33, may-asawa, kawani ng Calauag CATV at nakatira sa Barangay Poblacion. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon habang nagkakabit ng linya ng CATV ang biktima sa isa nilang subscriber nang mapahawak ito sa talop na high tension wire ng QUEZELCO. Sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay tumilapon ang biktima at nangisay. Sumaklolo naman ang ilang residente at agad na dinala sa St. Peter General Hospital ang biktima subalit namatay din.

 

Show comments