Bunso pinagtataga ng kuya

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 25-anyos na lalaki matapos na pagtatagain ng kanyang nakakatandang kapatid sa hapag-kainan kamakalawa ng gabi sa Barangay Maurang  sa bayan ng Polangui, Albay. Naisugod sa Isip General Hospital ang biktimang si Vicente Sabando habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na  si Ricardo Sabando, 33, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa police report, tinawag ng suspek ang biktimang nakikipag-inuman sa kapitbahay upang maghapunan. Habang naghahapunan ay nagpasaring ang biktima sa kanyang kuya kaya nagalit naman ito at isinagawa ang pananaga.

 

Show comments