Inakalang alak… Senglot tinoma ang lason, todas
ILAGAN CITY, Philippines – Maagap na sinalubong ni kamatayan ang senglot na magsasaka matapos nitong inumin ang makamandag na lason sa kuto na nakalagay sa bote na napagkamalan niyang alak sa Barangay Salindeg sa bayan ng Vigan, Ilocos Sur kamakalawa.
Nalagutan ng hininga ang biktimang si Jim Avila sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan City. Lumilitaw na nakipag-iÂnuman si Avila sa kanyang mga kaibigan sa kabilang ibayo kung saan umuwing paÂsuray-suray dahil sa kalasingan.
Ayon sa mga nakasaksi, nagsisigaw at naghahanap ng alak ang biktima kaya naghalughog ito sa kanilang bahay.
Dito na namataan ng biktima ang bote na naglalaman ng likido na napagkamalan niyang alak kaya kaagad na tinungga.
Ilang segundo lamang matapos laklakin ang lason na nasa bote na inakalang alak ay naglulundag ito ay lumagapak sa sahig ng kanilang bahay kung saan naisugod pa sa nasabing ospital subalit masyadong mabilis si kamatayan.
- Latest