2 tinedyer kinatay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Himalang nabuhay ang isa sa dalawang binatilyo matapos pagtatagain ng ‘di-kilalang grupo saka itinapon sa masukal na bahagi ng Barangay Poblacion sa kalapit bayan ng Sta. Maria, Isabela kahapon ng umaga­. Nanghihina at nakaratay pa sa ospital ang nabuhay na si Rogie Balisi nang isalaysay nito sa pulisya  na dinumog sila kasama ang kanyang kaibigang si Patrik Villanueva. Base sa police report, magkasamang naglalakad ang mga biktima nang harangin at pagtulungang tagain ng grupo ng kalalakihan pagsapit sa bisinidad ng Barangay Bagumbayan, Tuguegarao City. Nagtamo ng taga sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima saka sila itinapon sa katabing bayan ng Sta. Maria sa pag-aakalang patay na ang mga ito.

 

Show comments