7 tiklo sa drug bust

BULACAN, Philippines - Pito-katao kabilang ang isang barangay kagawad ang  nasakote ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, sina Kagawad Joselito Vergara at pamangkin nitong si Dennis Juala, 34, ay naaresto sa bahagi ng Barangay Caysio, Sta. Maria, Bulacan. Samantala, sina Juanita “Baby Tsina” Andrade, at Ramises Cruz ay nasakote sa bahagi ng Barangay Poblacion at Barangay Bancal sa bayan ng Marilao. Kasunod nito, naaresto naman ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Sabino Vengco lll ang mga suspek na lulan ng trike na sina Roel Cortez, Ryan Concepcion at si Adrian Ralph Dillangue sa Barangay Bunsuran 2nd sa bayan ng Pandi.

Show comments