CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Labing-apat sa dalawampung bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Masbate ang kinokonsiÂdera ng PNP na poll hotspots sa nalalapit na May 13 mid term elections.
Sa coordinating confeÂrence na pinangunahan ni P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, Masbate PNP director, kabilang sa mga bayan sa lalawigan ng Masbate na posibleng magulo sa daraÂting na halalan ay ang Aroroy, Balud, Cataingan, Dimasalang, Esperanza, Masbate City, Milagros, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer, San FerÂnando, San Pascual, Uson, Mandaon at ang bayan ng Claveria.
Matatandaan na ang lalawigan ng Masbate ay ang tinaguriang election hotspots sa tuwing sasapit ang halalan dahil sa mainit na labanan ng mga politiko na nagnanais na makaupo sa puwesto.
Ipinag-utos na ni Olitoquit din na pag-ibayuhin ang pagbuwag sa mga private armed groups na inaalagaan ng mga politiko na ginagamit sa paghahasik ng karahasan sa nalalapit na eleksyon.
Pinaigting din ang opeÂrasyon laban sa mga loose firearms na sinasabing nasa kamay ng mga politiko at pribadong indibidual.
Inilatag na rin ang mga Comelec check point sa iba’t-ibang lugar sa Masbate laban sa mga sibilyang nagdadala ng di lisensiyadong baril na posibleng gamitin sa krimen.