TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal ang sinapit na kamatayan ng mag-utol na kamag-anak ni Vice President Jejomar Binay matapos pagsasaksakin ng kainuman ng mga ito sa Brgy. Cataggaman Pardo ng lungsod na ito kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng Tuguegarao City Police, ang mga nasawi na sina Loreto at John Cabauatan na pawang kamag-anak sa ina ni Binay.
Lumalabas sa imbestigasyon na inihatid ng magkapatid pauwi ang suspek na si Florentino Casauay dahil sa sobrang pagkakalango sa alak.
Nabatid na nagkapikunan sa isa’t isa at naging pasaway ang mag-utol kay Casauay kung kaya’t kumuha ito ng kutsilyo sa kanilang kusina na siyang ginamit sa pagpatay sa magkapatid.
Agad na nadakip ng nagÂrespondeng mga pulis ang suspek na sa ngayon ay nakapiit na sa kulungan habang sabay naman pinagÂlalamayan ang mga napatay nitong magkapatid na biktima.