‘Di-pinayagang mag-bf, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 16-anyos na dalagita na pinagbawalan ng kanyang mga nakatatandang kapatid na makipag-boyfriend matapos itong magbigti sa Brgy. Cabaroan sa bayan ng Masingal, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Lucio Disierto, hepe ng Ma­singal PNP ang biktima na si Lilibeth Olivar, 4th year high school sa Manzate High School.

Lumalabas sa imbestigasyon na lubos na dinamdam ng biktima ang pagkakakumpiska ng kanyang cell phone na kanyang gamit sa pakikipag-usap sa nobyo.

Bunga nito, nagbigti ang biktima sa puno ng mangga sa likuran ng kanilang bahay at nag-iwan ng suicide note ng panunumbat sa kanyang mga nakakatandang kapatid.

Show comments