Trader, secretary pinabulagta

BATANGAS , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang matinding panibugho ang umiral kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 35-anyos na babaeng negosyante at sekretarya nito sa kanilang bahay sa Barangay Balakilong sa bayan ng Laurel, Batangas kamakalawa. Ayon sa police report, nagtamo ng mga tama bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jocelyn Marquez at Aida Alimagno, 36, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Si Marquez ay may-ari ng Amanceline Harvester at si Alimagno ang sekretarya nito. Nadiskubre ng helper na si Roy Salazar ang insidente kaya kaagad nitong ipinaabot sa pulisya kung saan narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments