Preso natagpuang patay sa selda

MANILA, Philippines - Isang preso ang natagpuang patay matapos na umano’y mag-suicide sa loob ng selda nito sa Mandaue City Jail, Cebu kamakalawa.

 Sa ulat ng Cebu Police, kinilala ang nasawing inmate na si Jimmy Guido, 49-anyos ng Brgy. Labogon, Mandaue City.  Ang biktima ay tatlong taon ng nakapiit sa kasong illegal drugs.

Bandang alas-6 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng bikima na nakaupo sa kama nito na nakagapos ng tali ng sapatos sa leeg na nakatali sa bakal ng double deck nito.

Nagawa pang isugod ang biktima sa Mandaue City Hospital pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng nasabing preso. 

 

Show comments