3 grabe sa salpukan ng bike

CAMARINES NORTE, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasa kritikal na kalagayan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Maharlika Highway, Purok 1 sa Barangay Itomang sa bayan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, sangkot sa aksidente ay ang motorsiklo ni Jomar Salva, 27, kung saan kaangkas ang biyudang si Emma Jalina, 67 kapwa nakatira sa Barangay Binanuaan. Gayundin ang motorsiklo ni Edgardo Ibita, 49, ng Purok 2, Brgy. Sta Cruz, Talisay. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na kapwa patungo sa bayan ng Daet ang dalawang motorsiklo, nang kumaliwa ang motorsiklo ni Salva kaya nasalpok ng motorsiklo ni Ibita.

 

Show comments