Trader utas sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang 40-anyos na negosyanteng naging miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF)  matapos na tambangan  ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng karagatan ng  Zamboanga City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Edwin de Ocampo, provincial police directot ang nasawi na si Akrab Jama, nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. Si Jama ay sinasabing dating miyembro ng Moro National Liberation Front na nakipag –peace pact sa pamahalaan noong 1996 at matapos ito ay nagnegosyo. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naglalayag ang biktima kasama si Abduraji Jawari sa Sitio Mulu-Muluan, Brgy. Mercedes patungong Tigtabon Island nang ratratin ng mga armadong lalaki na  sakay ng pumpboat. Samantala, nagawa namang makaligtas ng kasamahan nitong si Jawari matapos na tumalon sa dagat.

 

Show comments