Lola kinatay ng kapitbahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Animo’y kinarne ang katawan ng 69-anyos na lola matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay na magsasaka na sinasabing sinapian ng masamang espiritu sa Bulubunduking bahagi ng Barangay San Mariano Norte sa bayan ng San Guillermo, Isabela kamakalawa.
 Halos magkahiwa-hiwalay sa katawan ang ulo at braso ng matandang si Marcelina Paulias sa tindi ng pagkakataga ng suspect na si Rey Bautista. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pinuntahan ng suspect ang lola sa kusina nito kung saan isinagawa ang pamamaslang. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang krimen habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments