Binata pinugutan ng Aeta

MANILA, Philippines - Halos lumaylay ang leeg ng 28-anyos na binata makaraang pagtatagain ng katutubong Aeta na nakaaway nito sa bayan ng Nueva Valencia, Guimaras kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Guimaras police office director P/Senior Supt. Juanita Nebran ang biktima na si Michael Gaquit ng Sitio Tuyo, Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan.

Arestado naman ang suspek na si Yunisio Palacios, 40, ng Calinog, Iloilo na dumarayo lamang sa lugar.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa Sitio Tuyo dakong alauna ng hapon noong Martes kung saan nakipag-inuman pa ang suspek sa ilang kalalakihan.

Nang dumaan ang biktima na matagal na nitong kaaway ay sinundan ito ng suspek saka pinagtataga kung saan napuruhan sa leeg.

Ang insidente ay nasaksihan ng kapatid na dalaga ng biktima na mabilis na nakatakbo at nagsuplong sa mga awtoridad.

Show comments