P5-M alahas nilimas

CEBU CITY, Philippines – Tinatayang aabot sa P5 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng alahas ang tinangay ng personal driver mula sa kanyang 78-anyos na among babae sa Maria Luisa Subdivision, Brgy. Banilad, Cebu City, Cebu kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Chief Insp. Romeo Santander, ang suspek na si Jonathan Forosuelo, 25, tubong Clarin, Misamis Occidental at pansamantalang nakatira sa Barangay Lahug. Pormal na nagreklamo ang biktimang si Angeles Mathew kung saan pinasok ng suspek ang kanyang bahay bandang alas-6 ng umaga. Tinangkang manlaban ng biktima subalit masyadong malakas ang suspek kaya nalimas ang mga alahas. Nabatid na ang suspek ay anim na buwang naging personal driver ng biktima habang patuloy naman ang pagtugis sa suspek na sinasabing miyembro ng robbery gang mula sa Mindanao. Freeman News Service

Show comments