Konsehal, 1 pa bulagta sa holdaper

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napaslang ang 35-anyos na konsehal ng barangay at kamag-anak matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing miyembro ng robbery/holdup gang sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. 

Napuruhan sa dibdib ang mga biktimang sina Jerry Linagga, 35, councilman ng Barangay Didipio, Kasibu at Valentino Wanaton, 28, na residente rin ng nabanggit na lugar.

Lumilitaw na nagtungo ang biktima sa tindahan ng kanyang kamag-anak matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa naganap na robbery-holdup.

Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay biglang lumapit at niratrat ang mga biktima kung saan napuruhan naman sa ulo si Wanaton habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments