3 sugatan sa pawnshop blast

MANILA, Philippines -  Tatlo-katao ang nasugatan matapos na sumabog ang itinanim na improvised explosive device  sa harapan ng pawnshop sa Tacurong City, Sultan Kudarat noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division spokesman Col. Prudencio Asto ang mga nasugatang biktima na sina Christian Cabajon, 36; James Salinda, 26; at si Jessa Marcelo, 23. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagsabog sa harapan ng Cebuana Lhuillier Pawnshop bandang alas-10:10 ng gabi. Nakatayo ang mga biktima sa harapan ng nasabing pawnshop ng sumambulat ang eksplosibo kung saan kagad namang isinugod ang mga biktima sa Sandig Hospital. Patuloy naman ang post blast investigation ng Joint Task Force Talakudong at Tacurong City PNP.

Show comments