22-katao swak sa bangin

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 22-katao ang iniulat na nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang dump truck sa punungkahoy bago tuluyang mahulog sa bangin sa Abra province kamakalawa. 

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon sa Abra Kalinga Road sa Barangay Mudiit sa bayan ng Dolores. Kabilang sa mga biktimang isinugod sa Abra Provincial Hospital ay sina Vicente Jaquias, Darwin Valdez, Arlene Flores, Ma. Elena Valdez,  Condrado Valdez, Ma. Nerissa Fontanilla, Dyllan Thor Fontanilla, Dale Xyril Fontanilla,  Wilson Jaquias, Erika Abad, Darlen Jay Valdez, April Joy Valdez, John Carlo Abad, Nassel Abad, Margaret Jaquias, Andrei John Jaquias, John Lloyd Enclonar, Elizabeth Blanes, Eric Blanes, Chavit Jaquias, Oliver Blanco, at si John Rey Blanco.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck kung saan sinalpok ang puno bago nahulog sa bangin.

 

Show comments