Mister inutas sa harap ng pamilya
December 24, 2012 | 12:00am
BULACAN, Philippines – Napatay ang 33-anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng kanyang misis at dalawang anak sa Barangay Tabon sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng gabi.Tatlong tama ng bala ng cal.45 pistol ang tumapos sa buhay ni Marcelo Amoranto ng nabanggit na bayan. Ayon kay P01 Almario Santos, papauwi na ang biktima kasama ang kanyang pamilya habang nakasakay sa traysikel nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa bahagi ng Fidel Cruz Street.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended