^

Probinsiya

9-anyos pisak sa truck

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 9-anyos na batang lalaki matapos na mapisak ang katawan nang magulungan ng 10-wheeler truck dahil sa kanyang tsinelas sa Brgy. Carreta, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Reyboy Pallares na pumailalim pa sa truck ni Jaime Lucero, 23. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi ay nakita pa ang biktima na kasama ng mga bata na naglalaro malapit sa nakaparadang truck. Gayon pa man, isa sa mga kalaro ng biktima ang naghagis ng tsinelas sa ilalim ng truck kaya tumakbo si Pallares para kunin ito. Eksakto namang pinaandar na ni Lucero ang truck kaya nagulungan at nakaladkad ang biktima. Rumesponde naman ang mga tauhan ng Emergency Rescue Unit Foundation upang  isugod sa ospital ang biktima pero binawian ito ng buhay.

 

vuukle comment

BRGY

CEBU

CEBU CITY

EKSAKTO

EMERGENCY RESCUE UNIT FOUNDATION

GAYON

JAIME LUCERO

KAMATAYAN

LUCERO

REYBOY PALLARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with