Notoryus pusher nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tinambangan at napatay ng mga armadong kalalakihan ang 28-anyos na  sinasabing notoryus na tulak ng droga sa Barangay Pattao sa bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon na kaaalis lamang ng biktimang si Marjun Banez sakay ng motorsiklo matapos makipaglamay sa burol ng kamag-anak nang ratratin. Ayon kay PO1 Darwin Ponce, sabog ang ulo at nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima nang nadatnan ng mga sumaklolong residente. Nabatid na nahaharap sa kasong paglabag sa batas laban sa droga ang biktima sa Regional Trial Court ng kalapit bayan ng Aparri. Sinisiyasat pa rin ng pulisya kung bakit nakalalaya ang biktima sa kabila ng pagiging number two nito sa watchlist ng PNP at may kinakaharap ng kaso.

 

 

Show comments