Trader uli pinabulagta

BULACAN, Philippines – Isa na namang negosyante ang iniulat na napaslang matapos ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa bakuran ng kanilang bahay sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga. Limang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Mario “Kaka” Cunanan, 56, ng Tarcan Phase 2, Barangay Concepcion sa nasabing bayan. Sa ulat ni P03 Danilo Castillo, nakikipag-usap ang biktima sa kapitbahay na si Ryan Angeles 31 nang lapitan at pagbabarilin. Hindi naman idinamay ang kausap ng biktima na tumalilis sa takot na madamay.

Show comments