^

Probinsiya

Killer ng pulis, 2 wanted nadakma

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang  miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sinasabing sangkot sa pagpatay ng opisyal ng pulisya at dalawa pang wanted sa magkakahiwalay na operasyon sa Basilan, Bulacan at Davao.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr. ang nasakoteng Abu Sayyaf na si Najim Laisong alyas Uyong, 20, ng Sumisip, Basilan.

Ang dalawang iba pa ay nakilala namang sina Joel Capatoy, 33, ng Sta. Maria , Bulacan at Sesinio Naragas ng Sumifro Compound, Pryce Tower, Bajada, Davao City.

Sinabi ni Pagdilao, na ang mga suspek ay nasakote sa pinaigting na manhunt operation ng PNP-CIDG elements sa ilalim ng Oplan Pagtugis.

Si Liasong ay miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng li­derato ni Commander Abugao Bayali na aktibong nag-ooperate sa Sumisip, Basilan.

Nabatid na ang suspek ay kabilang sa mga most wanted na sangkot sa pagpatay kay P/Chief Inspector Reymen Jannatul at tatlo pang pulis sa ambush noong Hunyo 28, 2000 sa Sumisip, Basilan.

Samantala, si Capatoy ay nasakote naman sa Sta. Maria, Bulacan dakong alauna ng hapon noong Huwebes sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder  na inisyu ng korte ng Tacloban City.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BULACAN

CHIEF INSPECTOR REYMEN JANNATUL

COMMANDER ABUGAO BAYALI

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP CHIEF P

DAVAO CITY

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

JOEL CAPATOY

SUMISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with