2 pinabulagta sa plaza

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang matapos pagbabarilin habang nanonood ng induction ng mga kabataan sa plaza ng Barangay Batuhan sa Masbate City, Masbate kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga biktima na sina Marvin Montes, 21; at Larry “Agik” Rosero, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report, nanonood ng induction si Montes nang lapitan at ratratin ng suspek na si Panot Lozanta. Samantala, si Rosero ay nanonood din ng induction nang lapitan at pagbabarilin ng suspek na si Jun-Jun Montes. Napag-alamang gumanti si Jun-Jun sa utol ni Rosero matapos mapatay sa kanyang utol na si Marvin.

 

Show comments