Misis nangisay sa kuryente

MANILA, Philippines -  Patay  ang 48-anyos na misis makaraan itong makuryente sa nakalaylay na talop na linya ng kuryente sa Brgy. San Jose sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa. Bandang alas-11 ng umaga nang nakasalubong ng biktimang si Anabelle Bucton ang kamatayan matapos nitong mahawakan ang kable ng Agusan del Sur Electric Cooperative na na­pinsala ng bagyong Pablo. Bunsod nito ay agad nagkikisay ang biktima matapos na hindi napansin ang nakalaylay na kable  noong pang isang linggo. Patuloy naman ang clearing operations  sa mga nabuwal na punong kahoy at mga poste ng kuryente na kabilang sa napinsala ng bagyo.

Show comments