2 bulagta sa road mishap

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang kanilang motorsiklo sa gutter ng highway sa Alijis Road, Bacolod City kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Nikki Pacantang, 22; at Romeo Cuba, 28, kapwa nakatira sa St. Vincent Subdivision. Lumilitaw na pauwi na ang mga biktima  na magkaangkas sa motorsiklo nang makasalubong si kamatayan. Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon sa motorsiklo ang mga biktima kung saan nabagok pa ang ulo sa kalsada. Ayon pa sa mga imbestigador, ang mga biktima na walang helmet ay sinasabing lango sa alak.

Show comments