11-anyos nangisay sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 11-anyos na batang lalaki matapos itong makuryente sa poste ng ilaw sa plaza sa Brgy. Quezon, Naguilian sa Isabela kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon na nagbibisikleta sa plaza ang biktimang si Joel Ontario nang matumba ito sa gilid ng poste ng ilaw. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Vicente Valdez, babangon sana ang biktima  kung saan napahawak ito sa talop na linya ng kuryente na nakausli sa fuse box. Nangisay ang biktima sa harap ng mga taong  namamasyal kung saan naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay.

Show comments