Misis, 2 pa tiklo sa droga

CAMARINES NORTE, Philippines – Posibleng magdaos ng pasko sa loob ng kulungan ang isang misis at dalawang iba pa makaraang makumpiskahan ng droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

 Bandang alas-3 ng hapon ng salakayin ng mga awtoridad sa bahay ng suspek na si Ninia Echano, 37 anyos may asawa, na nakumpiskahan ng umaabot sa 4 na sachet ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng kanyang kuwarto.  Kasama rin sa mga inaresto ng mga awtoridad na pinaniniwalaang katatapos lamang ng kanilang pot session na sina Nonito Balmaceda, 27-anyos at Nestor Sarmiento, 26, kapwa residente ng Brgy 4-Daet.  Nakuha rin ng mga awtoridad ang ilang shabu paraphernalias at ang cell phone na itinapon sa labas ng bahay na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal na transaction sa droga.   

Dismayado naman ang mga kamag-anak ng ginang dahilan ilan beses na nila itong pinagbawalan sa illegal na aktibidades.

 

Show comments