SUBIC BAY FREEPORT , Philippines – Binigyan na ng environmental clearance certificate (ECC) ng DENR ang kontrobersyal na coal-fired power plant ng RP Energy-Subic na takdang itayo sa Redondo Peninsula upang palawigin pa ang kapasidad nito mula 300 hanggang 600 megawatt. Ayon kay Redondo Peninsula Energy, Inc. President Aaron Domingo, ang pagbibigay ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau’s ng ECC ay isang malaking tagumpay para makumpleto ang proyekto. Ang naamyendahang ECC ay pagpapatunay ng kanilang kumpanya sa pagsunod sa mga alituntunin na nakasaad sa guidelines ng DENR-EMB. Magugunita na kinondena at binatikos ang Subic coal-fired power plant at maging sa mga stakeholders ng Subic Bay Freeport. Ayon sa mga bumabatikos, ang posibleng pagpapaandar ng planta ay magdudulot ng pagkasira ng kaliksan sa kapaligiran.