Tatay pinatay sa palo ng anak

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Pinaniniwalaang matinding panibugho ang nagtulak sa 33-anyos na anak na lalaki kaya pinagpapalo niya ang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni Paoay P/Chief Investigator PO3 Nestor Sadian ang biktima na si Wilson Cac, 61, habang sumuko naman ang suspek na si Edison Cac, isang construction worker sa nasabing bayan.

Dito na, nagdilim ang paningin ng suspect sa labis na masasakit na salitang narinig nito sa ama habang pinapagalitan ang kanyang ka-live-in.

Nabatid din na kalimitang pinagbabantaan ng kanyang ama ang asawa ng suspek na palalayasin sa tahanan ng mga magulang.

Bunga nito, ay kumuha ng kahoy ng madre de cacao ang suspek na ga­gamitin sana nilang panggatong at pinaghahampas ang katawan at ulo ng ama hanggang sa malagutan ng hininga.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na may halong pagsisisi dahil sa tuluyan na rin silang palalayasin sa bahay ng kanyang mga magulang.

Show comments