2 kagawad swak sa kanal, todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang barangay kagawad ang iniulat na nasawi matapos sumemplang at mahulog ang kanilang motorsiklo sa  malalim na kanal sa Barangay Divino Rostro sa San Andres, Catanduanes kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa Eastern Bicol Medical Center ang mga biktimang sina Kagawad Norvin Baynosa, 35; at Kagawad Eddie Samonte, 56, kapwa may asawa at nakatira sa Barangay Mayngaway. Sa police report na nakarating kay  P/Senior Supt. Eduardo Chavez, papauwi na ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo nang mawalan ng kontrol ang driver at mahulog sa kanal sa gilid ng highway.

Show comments