Sekyu dedo sa agaw-armas

BULACAN , Philippines – Napatay ang 32-anyos na security guard matapos agawan ng baril at pagbabarilin ng dalawang miyembro ng Agaw-Armas Gang sa Barangay Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa pisngi ang biktimang si Richard Jazareno ng Barangay Bagong Silang, Caloocan City. Sa ulat ni P01 Jeffrey Jocson, nasa loob ng guardhouse ng Deca Homes Subd. nang lapitan at ratratin ng dalawang lalaki na bumababa sa puting van. Tinangay ng gunmen ang shotgun ng biktima subalit hindi naman nilimas ang mga personal na gamit nito kabilang na ang pitaka.

Show comments