Police investigator bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Napatay ang batikang imbestigador ng pulisya matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa Barangay Cupang Espiritu sa bayan ng Sto. Tomas, La Union noong Martes ng hapon.

Napuruhan sa katawan at idineklarang patay sa ospital ang biktimang si SPO2 Julius Espiritu na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 9mm pistol.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Jovencio Badua, spokesman ng Ilocos region PNP, kasalukuyang nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng highway sa Barangay Cupang Espiritu nang pagbabarilin ng tandem.

Tumilapon ng ilang metro ang biktima matapos mapuruhan kung saan nagsitakas naman ang gunmen patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala kung saan sinasabing may kinalaman sa maselang trabaho ng biktima bilang imbestigador.

 

Show comments