Negosyante itinumba

MANILA, Philippines - Sabog ang bao ng ulo ng 55-anyos na negosyante  matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng San Isidro, Surigao del Norte kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa San Isidro Hospital ang biktimang si Bernabe Imaden ng Barangay Tambacan sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang bandang alas-4:30 ng hapon kung saan may hinihintay ang biktima sa nabanggit na barangay.

 

Show comments