Trak vs trak: Driver todas

BATANGAS, Philippines  - Nasawi ang driver ng fuel tanker habang nasa kritikal na kalagayan naman ang pahinante nito matapos sumalpok ang sinasakyan nilang truck sa dump truck sa Southern Tagalog Arterial Road tollway sa Batangas kahapon. Ayon kay Julie Unico, nurse ng CP Reyes Hospital, kinilala ang driver ng fuel tanker na si Romeo Jacobe ng Barangay San Antonio sa bayan ng San Pascual, Batangas. Nasa kritikal na kondisyon pa rin ang pahinanteng si Alejandro Pajaganos ng Batangas City. Binabagtas ng fuel tanker (DXW-867) ang southbound lane ng highway nang sumalpok sa sinusundang dump truck (WAV-898)  pagsapit sa may KM 68 sa Barangay Banjo East, Tanauan City. Ayon kay Capt. Carlito America, security and safety officer ng Star Tollway, posibleng nakaidlip ang driver ng tanker kaya sumalpok ito sa dump truck na nasa harap nito.

Show comments