^

Probinsiya

1 patay, 17 sugatan sa 2-pagsabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang magkakasunod na pagsabog ang yumanig kahapon sa mga bayan ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay, Maguindanao kung saan isa ang nasawi habang  17 naman ang  nasugatan.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, naitala ang unang pagsabog bandang alas-8:15 ng umaga sa highway ng Barangay Lower Salvo sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan kung saan kabilang sa mga na­sugatan ay sina Mohaiden Animbang alyas Commander Karialan ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement; Dr. Muhammad Ali Tambako, Victor Haron at iba pa.

Nabatid na ang grupo ni Commander Karialan ay patungo sa Kanduli Thanksgiving  ceremony sa Brgy. Iginampong sa bayan ng Shariff Aguak.

Sa ulat naman ni P/Senior Supt. Jaime Pido, Maguindanao PNP director, naganap ang ikalawang pagsabog sa bahagi ng Brgy. Iginampong sa Datu Unsay kung saan anim na sibilyan ang nasugatan.

Magugunita na noong Sabado ay niyanig din ng pagsabog ang bahay ng isang opisyal ng ARMM sa Zenaida, Subdivision sa Cotabato City.

 

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

BARANGAY LOWER SALVO

BRGY

COMMANDER KARIALAN

COTABATO CITY

DATU SAUDI AMPATUAN

DATU UNSAY

DR. MUHAMMAD ALI TAMBAKO

IGINAMPONG

INFANTRY DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with