MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Sultan Kudarat, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology kahapon. Sa ulat ng Phivolcs, ang sentro ng pagyanig ay naramdaman sa 48-kilometro ng kanlurang bahagi ng Kalamansig, Sultan Kudarat, bandang alas-4:30 kahapon ng madaling-araw. Tectonic ang nasabing lindol na may lalim na 612 km. Wala namang iniulat na aftershocks o nasaktan at nawasak na ari-arian.